|
Konting oras na lang at January 1, 2010 na... Grabe ang bilis ng panahon. Oo, sobrang bilis kaya... kasi... malapit na kuhanan ng grades... Kinakabahan kaya ako... Sana hindi ako bagsak, ayaw ko bumagsak, NFE siguro tatanggapin ko na.
Madami nangyari sa taong 2009. Basta madami. Enjoy naman kahit ang hirap nang mga subjects... Hahaha!
Nakakatuwa nga eh... After nang exam, nagmumuni ako.... Hindi ko alam kung bakit, siguro kasi ang dami nang nangyari at bigla ko ginawa yun. Weird ba? Gusto ko iimprove sarili ko para sa pagpasok ng 2010 para okay ang kakalabasan sa akin.
Alam niyo ba meron akong New Year's Resolution... Mag-aaral ng mabuti at hindi pwede tamarin sa pag-aaral. Paano naman kasi, nung 2nd trimester, ang dami kong laybacks, kahit nag-aaral ako parang tinatamad ako.
Ngayong incoming 3rd Trimester, dahil ako ay may OJT na, kelangan talaga magsipag. Wala pa ako naisip na company na aaplayan pero kapag enroll na ako, saka ako maghahanap kasama sila. Hanggang ngayon ginagawa ko pa rin resume ko. Hahaha.
Basta, hindi pwede tamarin. Kelangan maging masipag. Ayaw kong bumagsak, malapit na akong mag-graduate. Isang taon na lang. ^_^
Sa inyong lahat Happy New Year. ^_^ Ingat lagi.
|